tl-ugnayan-test

Universal Dependencies - Tagalog - Ugnayan

LanguageTagalog
ProjectUgnayan
Corpus Parttest

Javascript seems to be turned off, or there was a communication error. Turn on Javascript for more display options.

indexsentence 51 - 61 < sentence 62 - 72 > sentence 73 - 83

Maraming turistang pumupunta sa Lawa ng Taal at sa Bulkang Taal. Sumasakay sila ng bangka patungo sa bulkan, na kanilang inaakyat. Marami talaga ang nakikinabang sa lawang ito. Bukod sa mga nakikinabang sa turismo, maraming nag-aalaga ng bangus at tilapia sa Lawa ng Taal. Alam mo ba kung ano ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas? Ang Cagayan River ang pinakamahaba at pinakamalaking ilog sa Pilipinas. Apat na probinsya ang binabaybay nito. Ito ang Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, at Cagayan. Ang mga probinsyang ito ay matatagpuan sa Hilagang Luzon. Dinaraanan rin ng Cagayan River ang ilang natitirang kakahuyan sa Pilipinas. Binubuhay ng tubig nito ang iba't ibang uri ng halaman at hayop.

Download XMLDownload textSentence viewDependency trees