Dependency Tree

Universal Dependencies - Tagalog - Ugnayan

LanguageTagalog
ProjectUgnayan
Corpus Parttest

Select a sentence

s-1 'Tay, pwede ba akong sumama sa pasada ninyo?' tanong ko kay Tatay.
s-2 'Sabado naman ngayon e.'
s-3 Sandaling nag-isip si Tatay bago niya sinabing , 'Sige ba, anak!'
s-4 Umakyat ako sa jeep ni Tatay at umupo sa tabi niya.
s-5 At doon nagsimula ang isang kakaibang araw para sa akin.
s-6 Drayber kasi ng jeepney ang tatay ko.
s-7 At ngayong araw ay kasama niya akong pumasada!
s-8 Tuwing sumasama ako sa pasada, ako ang opisyal na tagakolekta ng bayad.
s-9 Iba't ibang tao ang sumasakay sa jeepney ni Tatay.
s-10 May mga estudyanteng papasok ng eskuwela.
s-11 Nakasuot sila ng uniporme at maraming dalang libro.
s-12 May aleng mamamalengke na may dalang bayong.
s-13 May nanay na may kasamang anak.
s-14 Pero may isang taong sumakay na bukod-tangi.
s-15 Ang suot niya'y makulay na kamiseta at pantalon na sobrang luwang sa kaniya.
s-16 Napakalaki ng sapatos niyang pula!
s-17 Pula rin ang ilong niya.
s-18 Puting -puti ang mukha niya at kulay asul ang kulot niyang buhok.
s-19 Hindi ko mapigilang tignan ang kakaibang taong ito sa salamin.
s-20 Tinititigan din siya ng mga katabi niya.
s-21 Ngumiti siya sa mga kasakay niya sabay-labas ng limang bola mula sa kaniyang bulsa.
s-22 Isa-isa niyang itinapon ang mga bola pataas at sinalo.
s-23 Paulit-ulit niya itong ginawa at wala ni isang bolang nahulog!
s-24 'Wow! Ang galing!' sabi ng mga kasakay at pumalakpak kaming lahat.
s-25 Pagliko namin sa isang kanto, may inilabas naman siya sa isa pa niyang bulsa.
s-26 Inilagay niya ito sa kaniyang bibig at nagsimula siyang umihip.
s-27 Makaraan ng ilang sandali naging isang mahabang lobo ito.
s-28 Pagkatapos, ipinilipit niya ang lobo.
s-29 'Wow! Nagmukhang aso ang lobo!' sigaw ko.
s-30 Nagpalakpakan uli ang mga pasahero ni Tatay.
s-31 Nang malapit na kami sa plasa, may inilabas naman siyang makulay na bulaklak.
s-32 Inamoy niya ito.
s-33 Tila ang bango ng bulaklak dahil napapikit siya at napangiti.
s-34 Sumenyas siya sa mga kapuwa pasahero niya para amuyin din nila ang hawak niyang bulaklak.
s-35 Inamoy nga ng aleng katabi niya ang bulaklak.
s-36 Bigla na lang may lumabas na tubig sa bulaklak!
s-37 Nabasa ang mukha ng ale.
s-38 Pero hindi siya nagalit - napangiti pa siya!
s-39 Tumawa nang malakas ang iba pang pasahero.
s-40 'Para po!' sabi ng kakaibang mama.
s-41 Inabot niya sa akin ang bayad at isang lobo.
s-42 'Maraming salamat po!' sabi ko.
s-43 Tumingin ako kay Tatay na nakangiti rin.
s-44 Nagpasalamat din si Tatay sa mama.
s-45 Tumingin ako sa bahay na pinagbabaan niya - maraming lobo at bata.
s-46 Mukhang may party!
s-47 Kakaiba talaga ang araw na ito!
s-48 Parang nag-party din kami sa loob ng jeep ni Tatay dahil sa payasong pasahero namin!
s-49 Alamin natin ang mga anyong-tubig sa Pilipinas!
s-50 Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla.
s-51 Ang kalupaan nito ay pinaliligiran ng maraming anyong-tubig.
s-52 Isa tayo sa mga bansang may pinakamahabang baybayin.
s-53 May malalaking anyong-tubig, mayroon ding maliliit.
s-54 Maraming kabutihang naidudulot ang mga anyong-tubig na ito.
s-55 Alamin natin ang iba't ibang anyong-tubig sa Pilipinas!
s-56 Nakakita ka na ba ng lawa na may bulkan sa gitna?
s-57 Ganito ang Lawa ng Taal sa probinsya ng Batangas.
s-58 Sa gitna ng lawa nito ay ang Bulkang Taal.
s-59 Nabuo ang lawang ito dahil sa isang pagsabog ng bulkan, ilang daang taon na ang nakaraan.
s-60 Alam ba ninyong may isa pang lawa sa loob ng Bulkang Taal?
s-61 Pambihira talaga!
s-62 Maraming turistang pumupunta sa Lawa ng Taal at sa Bulkang Taal.
s-63 Sumasakay sila ng bangka patungo sa bulkan, na kanilang inaakyat.
s-64 Marami talaga ang nakikinabang sa lawang ito.
s-65 Bukod sa mga nakikinabang sa turismo, maraming nag-aalaga ng bangus at tilapia sa Lawa ng Taal.
s-66 Alam mo ba kung ano ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas?
s-67 Ang Cagayan River ang pinakamahaba at pinakamalaking ilog sa Pilipinas.
s-68 Apat na probinsya ang binabaybay nito.
s-69 Ito ang Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, at Cagayan.
s-70 Ang mga probinsyang ito ay matatagpuan sa Hilagang Luzon.
s-71 Dinaraanan rin ng Cagayan River ang ilang natitirang kakahuyan sa Pilipinas.
s-72 Binubuhay ng tubig nito ang iba't ibang uri ng halaman at hayop.
s-73 Kabilang sa umaasa sa ilog ang ilang endangered species tulad ng Philippine Eagle.
s-74 Nakakita ka na ba ng talon?
s-75 Dapat mong makita ang Maria Cristina Falls sa lungsod ng Iligan sa Lanao del Norte.
s-76 Ang Maria Cristina Falls ay kilala rin bilang kambal na talon.
s-77 Dahil ito sa isang malaking bato sa taas ng talon, na humahati sa daloy ng tubig.
s-78 Napakahalaga ng Maria Cristina Falls sa Mindanao.
s-79 Ito ang pangunahing pinagmumulan ng koryente sa rehiyon.
s-80 Ang uri ng koryenteng nililikha ng talon ay tinatawag na hydroelectric power.
s-81 Alam mo ba kung ano ang bukal?
s-82 Ito ang pinakamaliit na anyong-tubig.
s-83 Mula sa ilalim ng lupa ang tubig ng bukal.
s-84 May mga bukal na mainit ang tubig!
s-85 Karaniwan ito sa mga bukal na malapit sa maiinit na bato sa ilalim ng lupa.
s-86 Isa sa kilalang bukal ay ang Tiwi Hot Springs sa Bikol.
s-87 Matatagpuan ito malapit sa Bulkang Mayon.
s-88 Maraming pumupunta sa Tiwi Hot Springs dahil nakagagaling daw ng sakit ng kalamnan ang maglublob sa mainit nitong tubig.
s-89 Ang paglabas ng mainit na tubig na ito mula sa lupa ay pinagmumulan din ng koryente.
s-90 Geothermal power ang tawag sa uri ng koryenteng ito.
s-91 Ang koryenteng ito ay hinango sa init mula sa ilalim ng lupa.
s-92 Pambihira talaga ang mga anyong-tubig sa Pilipinas!
s-93 Kapaki-pakinabang pa ang bawat isa.
s-94 Anong mga anyong tubig ang matatagpuan sa inyong lugar?

Text viewDownload CoNNL-U