s-1
| 'Tay, pwede ba akong sumama sa pasada ninyo?' tanong ko kay Tatay. |
s-2
| 'Sabado naman ngayon e.' |
s-3
| Sandaling nag-isip si Tatay bago niya sinabing , 'Sige ba, anak!' |
s-4
| Umakyat ako sa jeep ni Tatay at umupo sa tabi niya. |
s-5
| At doon nagsimula ang isang kakaibang araw para sa akin. |
s-6
| Drayber kasi ng jeepney ang tatay ko. |
s-7
| At ngayong araw ay kasama niya akong pumasada! |
s-8
| Tuwing sumasama ako sa pasada, ako ang opisyal na tagakolekta ng bayad. |
s-9
| Iba't ibang tao ang sumasakay sa jeepney ni Tatay. |
s-10
| May mga estudyanteng papasok ng eskuwela. |
s-11
| Nakasuot sila ng uniporme at maraming dalang libro. |
s-12
| May aleng mamamalengke na may dalang bayong. |
s-13
| May nanay na may kasamang anak. |
s-14
| Pero may isang taong sumakay na bukod-tangi. |
s-15
| Ang suot niya'y makulay na kamiseta at pantalon na sobrang luwang sa kaniya. |
s-16
| Napakalaki ng sapatos niyang pula! |
s-17
| Pula rin ang ilong niya. |
s-18
| Puting -puti ang mukha niya at kulay asul ang kulot niyang buhok. |
s-19
| Hindi ko mapigilang tignan ang kakaibang taong ito sa salamin. |
s-20
| Tinititigan din siya ng mga katabi niya. |
s-21
| Ngumiti siya sa mga kasakay niya sabay-labas ng limang bola mula sa kaniyang bulsa. |
s-22
| Isa-isa niyang itinapon ang mga bola pataas at sinalo. |
s-23
| Paulit-ulit niya itong ginawa at wala ni isang bolang nahulog! |
s-24
| 'Wow! Ang galing!' sabi ng mga kasakay at pumalakpak kaming lahat. |
s-25
| Pagliko namin sa isang kanto, may inilabas naman siya sa isa pa niyang bulsa. |
s-26
| Inilagay niya ito sa kaniyang bibig at nagsimula siyang umihip. |
s-27
| Makaraan ng ilang sandali naging isang mahabang lobo ito. |
s-28
| Pagkatapos, ipinilipit niya ang lobo. |
s-29
| 'Wow! Nagmukhang aso ang lobo!' sigaw ko. |
s-30
| Nagpalakpakan uli ang mga pasahero ni Tatay. |
s-31
| Nang malapit na kami sa plasa, may inilabas naman siyang makulay na bulaklak. |
s-32
| Inamoy niya ito. |
s-33
| Tila ang bango ng bulaklak dahil napapikit siya at napangiti. |
s-34
| Sumenyas siya sa mga kapuwa pasahero niya para amuyin din nila ang hawak niyang bulaklak. |
s-35
| Inamoy nga ng aleng katabi niya ang bulaklak. |
s-36
| Bigla na lang may lumabas na tubig sa bulaklak! |
s-37
| Nabasa ang mukha ng ale. |
s-38
| Pero hindi siya nagalit - napangiti pa siya! |
s-39
| Tumawa nang malakas ang iba pang pasahero. |
s-40
| 'Para po!' sabi ng kakaibang mama. |
s-41
| Inabot niya sa akin ang bayad at isang lobo. |
s-42
| 'Maraming salamat po!' sabi ko. |
s-43
| Tumingin ako kay Tatay na nakangiti rin. |
s-44
| Nagpasalamat din si Tatay sa mama. |
s-45
| Tumingin ako sa bahay na pinagbabaan niya - maraming lobo at bata. |
s-46
| Mukhang may party! |
s-47
| Kakaiba talaga ang araw na ito! |
s-48
| Parang nag-party din kami sa loob ng jeep ni Tatay dahil sa payasong pasahero namin! |
s-49
| Alamin natin ang mga anyong-tubig sa Pilipinas! |
s-50
| Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming isla. |
s-51
| Ang kalupaan nito ay pinaliligiran ng maraming anyong-tubig. |
s-52
| Isa tayo sa mga bansang may pinakamahabang baybayin. |
s-53
| May malalaking anyong-tubig, mayroon ding maliliit. |
s-54
| Maraming kabutihang naidudulot ang mga anyong-tubig na ito. |
s-55
| Alamin natin ang iba't ibang anyong-tubig sa Pilipinas! |
s-56
| Nakakita ka na ba ng lawa na may bulkan sa gitna? |
s-57
| Ganito ang Lawa ng Taal sa probinsya ng Batangas. |
s-58
| Sa gitna ng lawa nito ay ang Bulkang Taal. |
s-59
| Nabuo ang lawang ito dahil sa isang pagsabog ng bulkan, ilang daang taon na ang nakaraan. |
s-60
| Alam ba ninyong may isa pang lawa sa loob ng Bulkang Taal? |
s-61
| Pambihira talaga! |
s-62
| Maraming turistang pumupunta sa Lawa ng Taal at sa Bulkang Taal. |
s-63
| Sumasakay sila ng bangka patungo sa bulkan, na kanilang inaakyat. |
s-64
| Marami talaga ang nakikinabang sa lawang ito. |
s-65
| Bukod sa mga nakikinabang sa turismo, maraming nag-aalaga ng bangus at tilapia sa Lawa ng Taal. |
s-66
| Alam mo ba kung ano ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas? |
s-67
| Ang Cagayan River ang pinakamahaba at pinakamalaking ilog sa Pilipinas. |
s-68
| Apat na probinsya ang binabaybay nito. |
s-69
| Ito ang Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, at Cagayan. |
s-70
| Ang mga probinsyang ito ay matatagpuan sa Hilagang Luzon. |
s-71
| Dinaraanan rin ng Cagayan River ang ilang natitirang kakahuyan sa Pilipinas. |
s-72
| Binubuhay ng tubig nito ang iba't ibang uri ng halaman at hayop. |
s-73
| Kabilang sa umaasa sa ilog ang ilang endangered species tulad ng Philippine Eagle. |
s-74
| Nakakita ka na ba ng talon? |
s-75
| Dapat mong makita ang Maria Cristina Falls sa lungsod ng Iligan sa Lanao del Norte. |
s-76
| Ang Maria Cristina Falls ay kilala rin bilang kambal na talon. |
s-77
| Dahil ito sa isang malaking bato sa taas ng talon, na humahati sa daloy ng tubig. |
s-78
| Napakahalaga ng Maria Cristina Falls sa Mindanao. |
s-79
| Ito ang pangunahing pinagmumulan ng koryente sa rehiyon. |
s-80
| Ang uri ng koryenteng nililikha ng talon ay tinatawag na hydroelectric power. |
s-81
| Alam mo ba kung ano ang bukal? |
s-82
| Ito ang pinakamaliit na anyong-tubig. |
s-83
| Mula sa ilalim ng lupa ang tubig ng bukal. |
s-84
| May mga bukal na mainit ang tubig! |
s-85
| Karaniwan ito sa mga bukal na malapit sa maiinit na bato sa ilalim ng lupa. |
s-86
| Isa sa kilalang bukal ay ang Tiwi Hot Springs sa Bikol. |
s-87
| Matatagpuan ito malapit sa Bulkang Mayon. |
s-88
| Maraming pumupunta sa Tiwi Hot Springs dahil nakagagaling daw ng sakit ng kalamnan ang maglublob sa mainit nitong tubig. |
s-89
| Ang paglabas ng mainit na tubig na ito mula sa lupa ay pinagmumulan din ng koryente. |
s-90
| Geothermal power ang tawag sa uri ng koryenteng ito. |
s-91
| Ang koryenteng ito ay hinango sa init mula sa ilalim ng lupa. |
s-92
| Pambihira talaga ang mga anyong-tubig sa Pilipinas! |
s-93
| Kapaki-pakinabang pa ang bawat isa. |
s-94
| Anong mga anyong tubig ang matatagpuan sa inyong lugar? |